Lunes, Marso 6, 2017

kasaysayan ng india

Ang India o Indiya o opisyal na tinutukoy na
Republika ng India ( Internasyonal o Inggles :
Republic of India) ay isang bansang matatagpuan sa Timog Asya . Ito ay ang ikaapat na pinakamalaking bansa sa buong mundo ayon sa lawak ng teritoryo.
Ang mga karatig-bansa ng India ay ang: Tsina ,
Pakistan , Bhutan , Myanmar , Nepal , at
Bangladesh .
Ang mga pinakamahahalagang lungsod ay
Mumbai (dating Bombay ), Bagong Delhi, Kolkata (dating Calcutta ), at Chennai (dating Madras ).

Paglalarawang Heograpikal

Ang India ay isang subkontinenteng matatagpuan sa Timog Asya na
napapaligiran ng mga bansang Bhutan at Nepal sa hilaga,
Bangladesh at Myanmar sa silangan, Sri Lanka sa timog, at Pakistan sa kanluran. Ito'y may lawak na 3,185,018.83 km/ 5,124,695.29747milya. [3] Ito'y napahiwalay sa kabuuang Asya dahil sa Bulubundukin ng Himalayas at sa Talampas ng Tibet. Ang
coastline ng India ay 7517 milya [4]

Kasaysayan

Unang Kabihasnan
Tinataya na noong 2500 B.K nagsimula ang unang kabihasnan ng India sa Lambak ng Ilog Indus . Ito ay ang mga lungsod ng Mohenjo-Daro sa Punjab at Harappa, sa lugar na ngayon ay Pakistan. Pinaniniwalaang naging maunlad ang pamumuhay ng mga taong nanirahan sa dalawang nabanggit na lungsod kung ibabatay sa mga nahukay na labi noong 1920.
May kaalaman na sa arkitektura ang mga tao sa Harappa at Mohenjo-Daro. Mapapatunayan ito sa nakitang kaayusan sa mga kalsada. Iba-iba rin ang mga sukat ng mga natagpuang bahay na kadalasa'y may dalawang palapag at binubuo ng kusina, salas, kwarto, at paliguan. May mga nahukay rin ditong upuang gawa sa kahoy na napapalamutian ng mga abaloryo.
Ang mga Harappa ay tinatayang isa sa mga naunang taong natutong gumawa ng telang yari sa bulak. Nagtanim sila ng palay at iba pang bungangkahoy at natutong mag-alaga ng mga hayop kagaya ng aso, pusa, tupa, kambing, at elepante . Natagpuan din sa lungsod ng Harappa ang mga selyong ginamit bilang tanda ng iba't ibang itinitinda kaya't hinihinalang magagaling na mangangalakal ang mga mamamayan dito.
Ang lahat ng mga nabanggit ay mga pagpapatunay na naging maunlad ang Kabihasnang Indus subalit ang pagwawakas at ang paglaho ng dalawang lungsod ay nananatiling hiwaga para sa mga mananaliksik. May mga palagay na ang pagbaha ng Ilog Ganges at ang paiba-ibang klima sa Lambak ng Indus ay ilan sa mga dahilan kung bakit nawala ang Kabihasnan Indus. Ayon sa mga arkeoloheyo, ang paglusob ng mga Aryan sa dalawang lungsod ay isa ring positibong dahilan ng pagkawala ng Kabihasnang Indus. Matatagpuan ang mga labi ng taong hindi nakalibing sa mga guho ng dalawang kabihasnan.
May mga Imperyong umusbong dito ito ay ang mga.
Imperyong Maurya
Imperyong Mogul [5]
Imperyong Maurya

Pagkaraan ng Kabihasnang Indus, nag-kanyakanya ang mga tao at nagtayo ng mga maliliit na kaharian. Ang mga kaharian na ito na pinag-isa noong ika-3 siglo B.C.E. bilang

Imperyong Maurya na itinatag ni Chandragupta Maurya at umunlad sa pamamahala ni Dakilang Asoka .[6] Ang mga naging hari ng imperyo ay pinaunlad ang pag-aaral sa agham, matematika, heograpiya, medisina, sining at panitikan.

Imperyong Mughal
Pangunahing lathalain: Imperyong Mughal

Sa pagsugod ng mga muslim mula sa Gitnang Asya noong ika-10 siglo hanggang ika-12 siglo, halos ang buong Hilagang India ay pinamumunuan ng isang Sultan. Ang tinawag sa muslim na imperyo na ito ay Imperyong Mughal. Sa pamumuno ni Dakilang Akbar, naging balanse ang pag-tuturing sa mga Hindu at Muslim. [7]
[8] Pinalawak ng mga emperador ang nasasakupan ng imperyo. Bumagsak ang imperyong ito dahil sa pag-alsa ng mga militanteng Hindu, ang Maratha . Dahil sa gulo na nangyari, madaling nasakop ng mga Europeo ang subcontinent .
Kolonya ng mga Europeo at Paglaya
Nasakop ng mga Europeo nang ika-16 siglo ang India. Ang namahala sa kolonyang ito ay ang
East India Company at pagkatapos ng Rebolusyong Sepoy, direktang namahala na ang
Empress ng Britanya at isinama ang India sa
Imperyong Britanya . [9]
Si Mahatma Gandhi (kanan) kasama si Jawaharlal Nehru, 1937. Si Nehru ang naging unang ministrong pinuno noong 1947

Nang ika-20 siglo, isang malawakang kilos para sa kalayaan ay pinangunahan ni Mahatma Gandhi . Nagkaron ng civil disobedience bilang protesta. Nakalaya din ang India noong 15 Agosto 1947, pero ang rehiyon na pinamumunuan ng mga muslim ay humiwalay at itinatag ang Pakistan . Noong 26 Enero 1950, naging isang opisyal na republika ang India at nagkaroon ng sariling saligang-batas. Ang India ay nagkakaroon ng mga problema sa kahirapan, terrorismo, digmaan ukol sa relihiyon, diskriminasyon sa mga mabababa sa caste at naxalismo.

Pananampalataya
Hinduismo
Pangunahing lathalain: Hinduismo sa India
Ang pananampalatayang Hinduismo ay isinilang sa India. Isang milenyo bago dumating si Kristo, nabuo ang relihiyong Hinduismo. Ang pangunahing diyos ng Hinduismo ay si Brahma, ang “Kaluluwa ng Daigdig”. Naniniwala ang mga Hindu na maaabot ng tao ang tunay na kaligayahan kung ang kanyang kaluluwa ay sasanib kay Brahma. Ang isang nakakaaliw na paniniwala ng Hinduismo ay ang paglipat ng kaluluwa sa panibagong buhay, o ang reincarnation o reinkarnasyon. Ayon sa paniniwalang ito, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ipinanganganak muli sa isang tao na may mas mataas na antas, samantalang ang isang masamang tao ay ipinanganganak muli sa isang mas mababang nilalang. Pagkalipas ng pagsasalin ng pagsilang at kamatayan, ang kaluluwa ng mabuting tao ay ginagantimpalaan sa pamamagitan ng pagsanib sa kaluluwa ni Brahma.
Ang kilalang trinidad ng mga diyos ng Hindu ay si Brahma ang Manlilikha, Vishnu ang Tagapangalaga, at Shiva ang Tagawasak. Ang iba pang diyos nila ay sina Agni, diyos ng apoy; Indra, diyos ng bagyo; Ganesha, diyos ng elepante; Laksmi, diyosa ng magandang kapalaran; at Vasanti, diyosa ng kaligayahan o kasayahan. Lahat-lahat, ang mga Hindu ay merong humigit-kumulang sa 300 milyong diyos, na kung tawagin ay teokratik.
Ang lokasyon ng India sa isang globo.
Ang Sistemang caste ay bahagi ng Hinduismo. Ang mga tao ay hinati sa mga antas o caste, gaya ng: (1) Brahma (pari at mga iskolar), (2) Kshatriyas (maharlika at mandirigma), (3) Vaishyas (magsasaka, mangangalakal at manggagawa), at (4) Sudras (manggagawa at alipin). Ang nasa mataas na antas ay hindi pinapayagang mag-asawa o mamuhay kasama ng nasa mababang caste. Ang mga di kabilang sa anumang caste ay mga patapon, itinatawag na “untouchables”. Napakahirap ng kanilang buhay sa kanilang sariling mga nayon at lungsod. Sila ang gumagawa ng pinakamababang trabaho. Hindi sila pinababayaang gumamit ng mga pampublikong paliguan, pumasok sa mga templo, o kumain sa mga pampublikong kainan dahil ang paghipo lamang sa isang “untouchable” ay pinaniniwalaang marumi para sa isang may caste.
Ang banal na ilog ng mga Hindu ay ang Ilog Ganges na matatagpuan din sa India. Ang ilog na ito ay sinasabing may banal na tubig.

Buddhismo

Pangunahing lathalain: Budhismo
Nang ika-16 na siglo B.K., isang bagong relihiyon, ang Budhismo ay itinatag ni Gautama Buddha sa Indian Peninsula na naging isang pangunahing relihiyon ng daigdig. Siya ay isang mayamang prinsipeng Hindu na naantig sa sobrang paghihirap ng masa. Hindi sang-ayon sa kaniya ang paniniwala ng mga Hindu sa caste o
karma na hinahatulan ang isang tao sa isang mataas na antas habambuhay. Naniniwala siyang mas dapat tulungan ang mga mahihirap. Tinalikuran niya ang kanyang mayamang palasyo at marangyang buhay upang maging isang ermitanyo. Pagkatapos ng mahabang meditasyon, nagsimula siyang magturo ng isang bagong relihiyon at siya'y tinawag na Buddha o "ang Naliwanagan". Itinuro niya na lahat ng tao ay makaaalam ng katotohanan at makakaabot ng ganap na kaligayahan anuman ang caste .
Itinuro ni Buddha ang apat na "Marangal na Katotohanan," gaya ng: (1) ang buhay ng tao ay batbat ng paghihirap; (2) ang paghihirap ng tao ay bunga ng kanyang pansariling pagnanasa; (3)mawawakasan ng tao ang kanyang paghihirap sa pamamagitan ng pagsupil sa kanyang pansariling pagnanasa; at (4) matapos masupil ang sariling pagnanasa, nararating ng tao ang tunay na nirvana (ganap na kaligayahan). Upang marating ang nirvana dapat sundin ng tao ang "Waluhang Daan" ( Eightfold Path sa Ingles) na binubuo ng (1) tamang paniniwala; (2) tamang adhikain; (3) tamang pananalita; (4) tamang pag-uugali; (5) tamang paghahanap-buhay; (6) tamang pagsisikap; (7) tamang pag-alaala; at (8) tamang meditasyon.

Pamahalaan

Ang konstitusyon ay sinasabi na ang India ay isang sosyalistang demokratikong republika. [10]
Ang kasalukuyang pangulo ng India, si
Pratibha Patil .
Ang Pangulo ng India ay ang pinuno ng estado
[11] elected indirectly by an electoral college
[12] na hinahalal ng isang pinununuaan na tinatawag na Electoral College para sa isang 5-taon termino. Ang pinunong ministro ay ang pinuno ng pamahalaan at siya rin ang humahawak sa kapangyarihang- executive. Siya ay dapat pinili ng pangulo at sinusuportahan ng partidong pampolitika ( political party ). Ang
Kongresong Nasyonal ng India ang namamahala sa lehislatura ng India. Sa kasalukuyan, ang pangulo ng India ay si Pratibha Patil , na unang nagsilbi noong 25 Hulyo 2007. Siya ang unang babae na naging pangulo ng India. Ang tirahan o palasyo ng mga pangulo ay ang Rasthrapati Bhavan .
Ang India ay itinuturing na pinaka-mataong demokrasya sa mundo.[13][14]
Ambag ng India sa Kabihasnan
Ang India ay duyan din ng kabihasnan at isa sa pinakadakilang imbakan ng sining, panitikan, relihiyon, at agham. Ilan sa mga ambag ng India ay:
Relihiyon
Ang pinakaunang ambag ng India ay ang pagbibigay sa daigdig ng apat na relihiyon —
Hinduismo, Budhismo , Sikhismo , at Jainismo. Ang Hinduismo ang pinakamatandang organisadong relihiyon at may 463 milyong tagasunod, karamihan ay sa Indian Subcontinent. Ito ang pinagmulan ng maraming modernong kultong relihiyon tulad ng transcendental maditation (tm) ng Maharishi Mahesh Yogi, ang grupong Ramakrishna, theosophy, ang Jag Guru, at iba pa. Ang Buddhismo ay mayroong 247 milyong tagasunod sa buong mundo. Ang Sikhismo ay relihiyon ng 16 milyong Hindu, marami sa kanila ay nangibambayan sa Britanya at sa ibang bansa. Ang mga lalaking Sikh ay mahaba ang balbas at nakasuot ng turban. Ito ay pinaghalong relihiyon ng Hindu at Islam. Ang Jainismo ay may 12 milyong tagasunod sa India. Naniniwala sila sa kabanalan ng buhay, pati ang mga halaman at hayop. Ang relihiyong ito ang nagturo ng paniniwala gaya ng vegetarianism
(pagkain ng gulay lamang), yoga, karma, at
reincarnation . Ang tawag ng mga Jain sa paniniwalang ito ay ang Ahmimsa o kapayapaan ( non-violence sa Ingles).
Pilosopiya
Ang ikalawang ambag ng India ay ang pagpapaunlad ng pilosopiya ng India kaysa sa Kanluran. Bago pa ang mga Griego at Romano ang mga pilosopiya ng India ay nagtatag na ng maraming sistemang pilosopikal, kabilang ang yoga, ang disiplina ng isip at katawan sa pamamagitan ng espirituwal na pagsasanay.

Panitikan

Ang ikatlong ambag ng India ay ang pagpapayaman ng India sa kanilang pandaigdig na panitikan sa pamamagitan ng pagbibigay ng unang pabula ( Panchatantra ), unang dulang epiko ( The Clay Cart ni Sudakra at Sakuntala ni Kalidasa), ang dakilang tulang epiko ( Mahabharata at Ramayana ), at ang dakilang pilosopikang tula ng daigdig ( Bhagavad Gita ).

panitikan ng india

Ang Panitikang Indiyano o Panitikan sa Indiya ay tumutukoy sa panitikang nagawa sa subkontinente ng Indiya hanggang 1947 at sa
Republika ng Indiya pagkaraan ng taong ito. Ang Republika ng Indiya ay may 22 opisyal na kinikilalang mga wika . Ang pinakamaagang mga gawa ng panitikang Indiyano ay ipinasa sa pamamagitan ng bukambibig. Nagsimula ang
panitikang Sanskrit sa Rig Veda, isang kalipunan ng banal na mga himno na pumepetsa sa kapanahunang 1500–1200 BKE. Lumitaw ang mga epikong Sanskrit na Ramayana at
Mahabharata papunta sa hulihan ng unang milenyo BKE. Lumaganap ang panitikan ng
Klasikong Sanskirt noong unang ilang mga daantaon ng unang milenyo KE, gayun din ang
panitikang Tamil , Sangam , at Kanon ng Pāli.
Sa panahong midyibal, lumitaw ang panitikang
Kannada at Telugu noong ika-9 at ika-11 mga daangtaon ayon sa pagkakasunud-sunod ng dalawa. [1] Sa paglaon, nagsimula ring lumitawa ang panitikan sa mga wikang Marathi, Bengali , sari-saring mga diyalekto ng Hindi, Persa , at
Urdu . Sa kaagahan ng ika-20 daangtaon, ang makatang Bengali na si Rabindranath Tagore ang nagging laureado ng Nobel mula sa Indiya. Sa kontemporaryong panitikang Indiyano, may dalawang pangunahing gantimpalang pampanitikan; ito ang Kapatirang Sahitya Akademi at ang Gantimpalang Jnanpith . Pitong mga gantimpalang Jnanpith bawat isa ang iginawad sa wikang Hindi at Kannada, na sinundan ng limang sa Bengali, apat sa Malayam at tatlo sa Gujarati , Marathi, at Urdu.